Dati, pinakamagandang Tuna sa balat ng Gensan lang ang kilala ko sa Tuna Capital of the Philippines, di ko pa pala alam mayroon pa itong kapatid na GandaEverSoMuch at iyon ay si Orman. Sabi nga ni Vice Ganda, akala niya Tuna ang marami sa Gensan… nandito pala si Orman. Heheheh…
Dati, di pa blogger, sa Plurk.com lang kami nagkakilala. Nakita ko Plurk profile niya thru Bariles Republic na si Avel. Pagkakita ko pa lang sa picture niya, sabi ko… ‘ay, dapat maging ka-plurk ko ito, mukhang masayahin at isa pa Manansala din ang family name, bigatin siguro ito.’ Dito nga sa Cagayan de Oro, may Beauty Queen na Manansala dito, so kailangan madikit ako nito, sounds like Beauty Queen kasi para sa akin. Hehehhe… Kaya ayun, nang nakilala ko siya, bigatin nga talaga, bigatin sa lahat ng bagay.
Continue reading