Dito ka na Kumukak! Ganda ka na… mas lalong Gaganda Ever So Much ka pa!

Dati, pinakamagandang Tuna sa balat ng Gensan lang ang kilala ko sa Tuna Capital of the Philippines, di ko pa pala alam mayroon pa itong kapatid na GandaEverSoMuch at iyon ay si Orman. Sabi nga ni Vice Ganda, akala niya Tuna ang marami sa Gensan… nandito pala si Orman. Heheheh…

Dati, di pa blogger, sa Plurk.com lang kami nagkakilala. Nakita ko Plurk profile niya thru Bariles Republic na si Avel. Pagkakita ko pa lang sa picture niya, sabi ko… ‘ay, dapat maging ka-plurk ko ito, mukhang masayahin at isa pa Manansala din ang family name, bigatin siguro ito.’ Dito nga sa Cagayan de Oro, may Beauty Queen na Manansala dito, so kailangan madikit ako nito, sounds like Beauty Queen kasi para sa akin. Hehehhe… Kaya ayun, nang nakilala ko siya, bigatin nga talaga, bigatin sa lahat ng bagay.

Feeling close pa ako sa kanya that time sa plurk, kasi naman alam kong okay pakisamahan ang mujer na ito… (mujer talaga ginamit ko. hehehhe) Shufatid kaya siya ni Avel and kilala ko na si Avel na mabait so natural magmamana sa kanya ang nakababatang kapatid nitong si Orman. Pero sa sobrang FC ko sa kanya sa Plurk, na awards night talaga ako sa isa sa mga EX niya. (sa mga talaga). Di na ako mag mention ng name kasi baka masaktan lang ang present kasintahan nitong si ALJUR.

Ganda Ever So Much!

Anyway, di nga siya nagba-blog dati, eh panay naman ang comment niya sa mga blogposts ng koya avel niya sa GenSantos.com. Todo encourage na nga si Avel at ibang blogger friends nito na mag blog na pero parang kapit na kapit pa rin siya sa Imeem. Kaya ayun ok na sa kanya na consistent commenter lang siya sa mga blogs ng mga friends niya.

One day, isang araw… nalaman ko nalang nagpo-promote siya ng isang Blog URL sa Plurk, akala ko blog ng isa sa mga crush niya. So, binisita ko ang link na yun and… PAK! Sa kanya pala ang blog na yun. Nakahalik siguro ng palaka (na akala niya si frog prince) at parang yun ang nagkumbinsi sa kanya na it’s time for him to have his own blog na na may Kokak theme (Dito ka na kumukak!). Eh sa dami ba naman niyang kinukwento sa mga comments niya sa blogs ng friends at koya Avel niya eh parang blogpost na rin yun.

Na-werla naman ako kasi GandaEverSoMuch.com pa ang URL and Title ng Blog niya – Inagawan pa ako ng titulo (LOL), pero sige, sa kanya na ang Southern Mindanao basta sa akin ang Northern Mindanao… (Hahahha… walang papalag, blog ko ito.)

Kaya simula nang nag blog na siya, para na rin itong palaka na kokak ng kokak kung tag-ulan sa blog niya. Adik na yata sa blogging at di mo mapigilan na hindi mag update sa blog niya araw2x. Kaya nga magsi-celebrate na ito ng Blogoversary ng Bonggang-bongga sa August 2010. Kasi naman sa dami nitong fans/readers sa blog niya, dapat naman talagang Bongga ang anniversary. At may K talaga itong magpapacontest na pahihirapan ang mga sasali. (heheheh… joke lang ter.) Pero sa totoo lang, di naman mahirap gumawa ng 200 words article/blog post for Orman eh, ang dali lang kaya, dami mong pwedeng isulat tungkol sa kanya… (echus!) kasya lahat kahit marami pa yan, ang laki kaya ni Orman… ang laki ng puso niya.

200 words lang ba? Eh kukulangin pa yan, kaya huwag ninyong mamaliitin si Orman, dahil malaki siya. I mean, huwag ninyong liliitan ang expectations ninyong matatanggap sa pagsosolicit ninyo kay Orman, dahil malaki itong magbigay. Hehehe… wait ka lang ng ilang araw ter, may magsosolicit na sa iyo dyan.

Kaya hanggang dito na lang ako, marami pa sana akong gustong sabihin tungkol sa kanya kaya lang ayaw kong ma pressure siya at bibigyan ako ng special prize na bonggang-bongga, (nag expect pa talagang mabunot sa contest… why not? heheheh…) Pero kung magbibigay naman siya, sino ba naman ako para tumanggi? Hahaha…

6 Responses to “Dito ka na Kumukak! Ganda ka na… mas lalong Gaganda Ever So Much ka pa!”

  1. bay-otch gyd kaau. aylavet! hahaha
    .-= SaNaSaNz´s last blog ..I’m addicted to GandaEverSoMuch- =-.

  2. Hahaha lingawa ani oi!
    .-= Irene´s last blog ..Inaugural speech of Noynoy Aquino – English translation =-.

  3. ayos ah.. makalingaw ever so much.. hehe..

  4. Hehehe… thanks guys… Para kay GandaEverSoMuch yan. heheheh

  5. kaw na ged ter! bonggacious ever ged! loveeeettt!
    .-= orman´s last blog ..Mabuti Pa Nung Bata =-.

  6. [...] Robstroy – Dito Ka na Kumukak… Ganda Ka, Mas Gaganda Ever So Much Ka Pa [...]

Leave a Reply

CommentLuv badge

Himantayon nga Kagay-anon is Digg proof thanks to caching by WP Super Cache