New Pilipinas, Tara na! Biyahe Tayo! Lyrics and Video
Department of Tourism reveals new Pilipinas, Tara Na! Video
Pilipinas, Tara na! Lyrics
Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Namasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces
Narating mo na ba
ang Hundred Islands at Chocolate Hills
Pagudpud, Puerto Gallera
Waterfalls ng Maria Cristina
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco Hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa Pilipino
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
RAP:
Libutin mo ang may pitong libo
at isang daang isla
Ang minamahal kung Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao
Ating puntahan
Huwag maging dayuhan
sa sarili mong bayan
Nasubukan mo na ba
Mag rapid sa Pagsanjan
Mag diving sa Anilao
Mag surfing sa Siargao
Nalasahan mo na ba
Ang mangga ng Guimaras
Pansit Molo, Gensan Tuna
At bagnet ng Ilocandia
Tara na, biyahe tayo
nang makatulong kahit paano
sa pag unlad ng kabuhayan
ng ating mga kababayan
Halika, biyahe tayo
Nang ating Makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Na abot mo na ba
ang toktok ng Mt. Apo
Crater ng Pinatubo
Sagada sa Cordillera
Natanaw mo na ba
ang butanding sa Donsol
Tarsier at Tamaraw
Ang Haribon sa Mindanao
Tara na, biyahe tayo
Upang masilayan
Kariktan ng kalikasan
Na dapat pangalagaan
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.



